Mahigit sa 1.5 million bata sa buong bansa ang nakinabang sa Supplementary Feeding Program (SFP) na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa taong 2023-2024.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, hanggang Marso 30 ngayong taon, pinakamaraming napagsilbihang bata ay mula sa Child Development Centers na abot sa 1,526,261.
Habang nasa 33,198 kabataan naman sa ilalim ng Supervised Neighborhood Play; at 1,169 sa implementing local government units.
Sinabi pa ni Dumlao, ang Supplementary Feeding Program ay isa sa anti-hunger initiatives ng DSWD at isa din sa maituturing na kontribusyon ng ahensya sa Early Childhood Care and Development program. | ulat ni Rey Ferrer