Nasa higit 200 Senior QCitizens at persons with disability ang mabibigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa pag-arangkada ng special employment program ng Quezon City Government.
Magiging katuwang ng LGU sa programa ang Jollibee Food Corporation (JFC) matapos na lumagda si Mayor Joy Belmonte sa isang MOA sa pagitan ng JFC Vice President, Head of GOLC at HR Head for Philippines Ms. Ruth Angeles.
Sa ilalim ng kasunduan, 54 na JFC-owned stores kabilang ang Jollibee, Chowking, Greenwich, at Burger King ang magbibigay ng trabaho sa mga senior at persons with disability sa loob ng anim na buwan.
Ang QC Public Employment Service Office ang mangunguna sa paghahanap ng kwalipikadong aplikante para sa programa.
Libre ring ibibigay ng Quezon City Government ang iba-ibang laboratory services na requirement sa trabaho, sa tulong ng City Health Department at tatlong city-owned hospitals.
Iknatiwa naman ni Mayor Joy Belmonte ang programang ito dahil naniniwala siyang hindi dapat nagiging hadlang ang edad o pagiging PWD sa pagkakaroon ng maayos na hanap-buhay. | ulat ni Merry Ann Bastasa