Wagi ang anim (6) na mga batang Iliganon sa isinagawang Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) noong Abril 26-28 sa Bangkok, Thailand.
Naiuwi ng mga ito ang apat (4) na silver medal at dalawang (2) bronze medal mula sa naturang Olympiad.
Ang lumahok sa naturang Olympiad ay kindergarten hanggang Grade 5 students na mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Iligan tulad ng Iligan City Central School, Tambo Central School, at Suarez Central School.
Pinondohon ito ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Iligan sa pamamagitan ng local school board na kung saan nakatanggap ng tig-₱40,000.00 ang bawat isa sa mga estudyanteng lumahok sa naturang Olympiad.
Ayon sa pahayag Iligan City Mayor Frederick W. Siao, hindi nagkamali ang LGU sa pagsuporta sa naturang mga estudyante dahil nagbunga ang kanilang ipinakitang dedikasyon.
Nagpapasalamat din si Mayor Siao dahil nagdala ang mga ito ng karangalan sa Lungsod ng Iligan.
Ang TIMO ay nilalahukan ng mga batang mahuhusay sa larangan ng Sipnayan o Mathematics mula sa iba’t ibang panig ng mundo. | ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan
📸Iligan City Mayor Frederick Siao