Dumipensa si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong mula sa mga paratang na pinababayaan ng administrasyong Marcos Jr. ang Mindanao.
Aniya bilang residente ng Mindanao at mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), masasabi niyang tinupad ng Pangulo ang campaign promise nito.
Tinukoy nito na apat na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ang ginanap sa Mindanao at may tatlong iba pa na nakatakdang gawin partikular sa Zamboanga City, Davao del Norte at maging sa Tawi-Tawi na kauna-unahan sa BARMM.
Maliban din aniya sa social services ay binigyang prayoridad ng Pangulo ang imprasktraktura.
Pinagtuunan din aniya ng pansin ng administrasyonang rehabilitasyon ng Marawi na sa matagal na panahon ay hindi pa rin natapos ang rehabilitasyon.
Isa pa sa patunay aniya na pinahahalagahan ng administrasyon ang Mindanao ay ang pagbibigay importansya sa peace process.
“Makikita po natin na all, in all concerns ano, apart from iyong Serbisyo Fair nakita din po natin iyong mga underlying gaps na hindi pa po naso-solve in terms of peace process which basically benefit not only Mindanao but the whole of the country ay binibigyan niya po ng pansin. So, I don’t think it’s fair to say that the President is actually neglecting Mindanao, in fact that’s part of his priority at nakita na nga po natin ang kanyang Bise Presidente taga-Mindanao. So that’s very clear and indicative sign that the President really puts Mindanao part of his priority, during ito pong term niya, so nakita po natin iyan and we are very thankful for the President for giving importance to the peace process dahil iyan po ang kailangan ng Mindanao para matapos na po iyong sinasabi po nating armed conflict at it will bear fruit positively on the communities that are being left behind, which communities are from Muslim Mindanao,” sabi ni Adiong. | ulat ni Kathleen Jean Forbes