Isinasapinal na lamang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang datos kaugnay sa halaga ng pinsalang tinatamo ng kalikasan ng Pilipinas, dahil sa El Niño.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DENR Undersecretary Carlos David na kabilang sa mga pinaka-apektado ng tag-tuyot ang fresh water ecosystem ng bansa.
Natutuyo aniya ang mga swamp area, peak lands, at iba pa.
“Definitely, those that are in fresh water ecosystem, kasi natutuyuan iyong mga swamp areas natin, peak lands and so on.” -Usec David
Ang mga kagubatan sa bansa malaki rin ang tinatamong pinsala.
Sabi ng opisyal, nariyan ang mga forest fires.
Bukod pa iyong matinding init na hinaharap ng mga hayop sa kagubatan.
“In terms of the heat naman because of El Niño malaki rin iyong epekto diyan sa terrestrial forest natin na pansin ninyo medyo dumadami iyong mga forest fires, iyan lang ay isang epekto na nakikita natin visually pero hindi natin alam iyong epekto niyan sa exactly sa ecosystem kung nagsu-survive iyong plants and animals doon.” –Usec David. | ulat ni Racquel Bayan