Panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na bilisan ang pagbabalik sa lumang school calendar, suportado ng mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng dalawang senador ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bilisan ang pagbabalik sa lumang school calendar sa susunod na taon, dahil sa epekto ng napakainit na panahon dulot ng El Niño.

Nagpasalamat si Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian para sa posisyong ito ng punong ehekutibo.

Ayon kay Gatchalian, nitong mga nakalipas na linggo ay nakita kung paanong naantala ang pag-aaral ng mga estudyante dahil sa pagkansela ng face-to-face classes sa maraming lugar sa bansa.

Bukod pa dito, nagiging banta rin aniya sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante at mga guro ang sobrang init.

Tiniyak rin ni Gatchalian, na bilang Chairperson ng Senate Committee on Education, ay patuloy siyang makikipagtulungan sa Department of Education at iba pang stakeholders sa pagtitiyak na magiging maayos ang transition pabalik sa dating school calendar.

Sinabi naman ni Senador Francis Tolentino, na sang ayon siya sa pagbabalik sa lumang school calendar dahil makakatulong ito sa mga mag-aaral at mga guro na makaagapay sa post pandemic educational catch-up plans. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us