Napipintong alyansa ng partido political para sa 2025, dapat nakasuporta sa mga hangarin ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang halaga ng isang House leader na suportahan at makiisa ang mga nais makipag-alyansa sa administration coalition ang mga prinsipyo at hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Tinukoy ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na bagamat tila nagmumukhang oposisyon ang Partido Demokratikong Pilipino (PDP) ay nagpapasalamat naman ito kay PDP President at Palawan 2nd District Rep. Pepito Alvarez.

Ano Khonghun, kahit na may ilang miyembro ng PDP na bumabatikos sa kasalukuyang administrasyon ay nananatili namang naka-align o nakasuporta si Alvarez sa hangarin ng administrasyon.

“Nakikita naman natin ngayon na karamihan ng oposisyon, nagmumukhang ang mukha ng oposisyon ngayon ay ang PDP dahil karamihan ng bumabatikos at nagsasalita ng hindi maganda patungkol sa administrasyon ay mga miyembro ng PDP. Nagpapasalamat nga ako sa kanilang presidente, ang kaibigan natin, si Cong. Pepito Alvarez dahil patuloy siyang sumusuporta sa ating Pangulo. Ngunit alam natin na karamihan o iilan sa mga miyembro ng PDP ay talagang maanghang ang mga salitang binibitawan laban kay Pangulong Marcos,” sabi ni Khonghun.

Binigyang diin din ng mambabatas na dapat ay magkasundo ang mga koalisyon sa kung saan nila dadalhin ang bansa.

Kaya welcome aniya ang mga partido at samahan na sinserong sumusuporta sa adhikain at prinsipyo ng administrasyon bagay na sinegundahan ni Davao Oriental Rep. Cheeno Almario.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us