Nais ng ilang mambabatas na hingan ng paliwanag ang Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa napaulat na kwestyunableng investment ng ahensya, at ang mataas na interest at penalty sa mga loan ng kanilang miyembro
Sa ilalim ng House Resolutions 1705 at 1706 na inihain ng Makabayan, nais bigyang linaw ang lumabas na Audit Observation Memorandum ng Commission on Audit (COA) Office of the Supervising Auditor kung saan natuklasan na nag-invest ang GSIS ng P2.308 billion “in stocks” sa ilang korporasyon at bangko.
Nababahala rin ang mga mambabatas sa ulat na mataas na interes at penalty na ipinapataw ng GSIS sa mga retiradong empleyado ng gobyerno.
Umaasa ang mga kinatawan na sa pamamagitan ng inquiry in aid of legislation ay maprotektahan ang mga kontribusyon at pensyon ng mga kawani ng pamahalaan muka sa hindi maayosa na pamamahala. | ulat ni Kathleen Forbes