Pagkakaroon ng antivenom supply sa regional hospitals sa buong Pilipinas, isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senador Raffy Tulfo ang pangangailangan na magkaroon ng suplay ng snake antivenom ang mga regional hospital sa buong bansa, partikular na sa kontra sa kagat ng Philippine cobra.

Ipinunto ni Tulfo, na hindi lang sa pelikula nangyayari ang kwento ng pagkamatay dahil sa kagat ng ahas dahil nangyayari rin ito dito sa ating bansa lalo na sa rural areas.

Ibinahagi ng senador ang insidente ng isang magsasaka sa Isabela na namatay matapos makagat ng Philippine cobra, dahil bagamat agad naman itong nadala sa ospital ay wala namang suplay doon ng antivenom.

Isa pang insidente ang nangyari kung saan nasawi ang isang tatlong taong gulang na bata sa Northern Samar dahil sa kagat ng king cobra.

Sinabi ni Tulfo, na bagamat talamak ang presensya ng mga nakakamatay na ahas sa Pilipinas hanggang ngayon ay ang RITM pa rin ang tanging supplier ng cobra antivenom sa bansa.

Giniit ng mambabatas na isa itong public health concern na dapat tugunan.

Noong 2012, una nang hinikayat ni dating Senator Miriam Defensor Santiago ang Senado na imbestigahan ang pangangailangan na bumuo ng antivenom bank sa lahat ng regional hospitals sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us