Naghahanda na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pagbabalik bansa ng may 61 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Israel.
Ito ang inihayag ng kagawaran kasunod ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Israeli forces at ng Palestine militant extremist group na Hamas.
Bukas, May 9, pangungunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang pagdating ng itinuturing na pinakamalaking bilang ng Pinoy repatriates buhat sa Israel.
Kasama ng kalihim ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na siyang abala sa pagpapa-uwi sa mga kababayang naiipit sa gulo sa nabanggit na bansa.
Kasunod nito, tiniyak ng DMW na kanilang ipararating ang angkop na tulong para sa mga kababayang piniling umuwi sa bansa matapos maipit sa gulo. | ulat ni Jaymark Dagala