Kaunti na lamang na mga health workers na nagsilbing frontliner noong pandemya ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang COVID Health Emergency Allowance.
Sa Facebook post ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi nitong halos 79 percent ng mga bayaning frontliners ang nakatanggap na ng kanilang COVID Health Emergency Allowance.
Sa 78.92% ng mga nabigyan na ng nasabing allowance ayon sa Pangulo ay naglaan ang pamahalaan dito ng nasa may ₱59.8-bilyong pisong halaga ng pondo.
Ang hakbang dagdag ng Pangulo ay alinsunod na din sa pangako ng kanyang administrasyon na maipamahagi ang nasabing benepisyo sa mga frontliners na buong tapang at dedikasyon na tumupad ng kanilang tungkulin noong panahon ng COVID-19.
Pagpapakita na rin aniya ito sabi ng Chief Executive ngayong Health Workers’ Day ng pagpapahalaga sa mga Pinoy frontliners na nagpamalas ng kanilang buong puso, galing, at malasakit sa buong Mundo. | ulat ni Alvin Baltazar