Pormal na lumagda ang Lakas CMD at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ng alyansa bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez ang alyansa para sa Bagong Pilipinas ay hindi lamang pagsasanib pwersa ng LAKAS at PFP sa bilang ngunit sa iisang hangarin para sa isang Bagong Pilipinas.
Hindi lang din aniya ito basta politikal na alyansa ngunit pagsasama para mapagbuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng isang bukas at hayag na pamamahala.
“Our agenda is clear. We are here to enhance the quality of life for every Filipino. We commit to ensuring that the fruits of economic growth are distributed equitably, reaching every province and every community. We pledge to uphold the highest standards of governance, making every decision and action transparent and accountable to the people we serve.” sabi ni Romualdez
Naka linya aniya ang kanilang inisyatiba sa direksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at pagsuporta sa kaniyang socio-economic roadmap.
“In the upcoming years, through the Alyansa para sa Bagong Pilipinas, you will witness a government that is more dynamic, more proactive, and more responsive to the needs of its people. This alliance will demonstrate how collaboration and genuine partnership can translate into real, impactful change.” sabi pa niya
Si Speaker Romualdez ang lumagda sa alyansa sa panig ng LAKAS CMD habang si PFP president Reynaldo Tamayo Jr. para sa PFP na sinaksihan mismo ni Pangulong Marcos, Jr. | ulat ni Kathleen Forbes