Siniguro na Deparment of Migrant Workers (DMW) na mayroong nakalatag na safety measures, na titiyak sa kaligtasan ng mga Pilipinong caregiver na magiging bahagi ng pilot implementation ng government to government deployment sa South Korea.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DMW Asec. Levinson Alcantara na mayroonog sariling employement contact para dito na dinivelop ng dalawang bansa.
Sa pamamagitan ito ng konsultasyon ng magkabilang panig, kung saan nakapaloob ang lahat ng proteksyon para sa mga ipadadalang Filipino caregivers.
“Ang employment contract na ito ay dinevelop bilaterally through consultation noong dalawang sides at nakapaloob doon lahat ng mga proteksyon, minimum standards, maayos na pasuweldo, pati oras ng pagtatrabaho, sino ang mag-aalaga sa mga caregiver natin.” —Alcantara.
Kabilang dito ang usapin sa sweldo, minimum standards, oras ng pagtatrabaho, at sino ang mag-aalaga sa mga caregiver ng bansa, maging ang social protection ng mga ito.
“Kung ano iyong social protection na mayroon sila, nandoon po lahat. May sariling employment contract ang ating mga caregiver na makakapasa at makakapasok sa ating pilot program.” -Alcantara.| ulat ni Racquel Bayan