Pangungunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang mga senior official ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pagsalubong sa 61 na overseas Filipino workers (OFWs) na babalik sa bansa mula sa Israel.
Bukas, May 9, alas-3:50 ng hapon ang inaasahang paglapag ng eroplanong sinasakyan ng nasabing mga OFW sa NAIA Terminal 3.
Si Cacdac kasama pa ang iba pang opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay magbibigay ng briefing sa nasabing mga OFW, matapos ang gagawing salubong activities.
Ayon sa DMW, ito na ang pinakamalaking repatriation group na darating sa bansa na nag-avail ng voluntary repatriation ng pamahalaan simula nang magsimula ang giyera sa pagitan ng Israel at ng militant Palestinian group na Hamas. | ulat ni Lorenz Tanjoco