Sen. Hontiveros, duda sa mga pahayag ng alkalde ng Bamban, Tarlac na inuugnay sa operasyon ng POGO sa kanilang lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Senadora Risa Hontiveros, malinaw na nagsinungaling sa pagdinig ng Senado si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa pagkakasangkot nito sa niraid na POGO hub sa kanilang lugar.

Giniit ng senadora na kabilang sa mga kwestiyonable ang pagtanggi ni Guo na may koneksyon siya sa Hong Sheng Gaming Inc. dahil taliwas ang pahayag na ito sa mga dokumento sa munispiyo kung saan siya ang nakalagay na representative ng naturang kumpanya.

Dinagdag rin ni Hontiveros na kaduda-duda ang pagkatao ni Guo dahil sa kawalan ng legal na dokumento ng kanyang pagka-Pilipino.

Wala aniyang maipakita na hospital record ng kapanganakan si Guo dahil base sa kanyang testimonya ay pinanganak siya sa bahay pero hindi naman maibigay ang address at late ring naiparehistro ang kanyang live birth ng alkalde, na ginawa lang noong siya ay 17 years old na.

Pinunto rin ng senadora na hindi rin nito maipakita kung ano o sino ang kanyang home-school provider gayong ang claim ni Guo ay mula elementary hanggang high-school ay home-schooled siya.

Una nang pinabulaanan ni Guo sa naging pagdinig na protektor siya ng mga POGO at wala aniya siyang kinalaman sa operasyon at mga gawain ng kumpanya.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us