Kawalan ng body scanner ng BuCor, ipinalawinag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng imbestigasyon sa strip searching na ginagawa sa mga bisita sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ay nagpaliwanag si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr.

Hinggil sa kakulangan nila ng kagamitan para makapagsagawa ng body search ng hindi hinuhubad ang mga damit. 

Ayon kay Catapang, ang problema sa pagkapkap sa mga pumapasok na bisita sa kanilang mga kulungan ang dahilan kung bakit nanawagan siya ng mas malaking pondo noong isang taon sa Kamara. 

Giit ni Catapang, mahal ang mga body scanner na ginagamit sa airports kung saan hindi na kailangan hubarin at tingnan ang loob ng mga maseselang bahagi ng katawan ng mga gustong bumisita sa kulungan. 

Dagdag pa ng opisyal, sa unang bugso kinakailangan ng kanilang ahensya ng limang body scanner na nagkakahalaga ng P20 million to P25 million ang bawat isa. 

Matatandaang nagreklamo ang ilang mga misis hinggil sa ginagawang pagpapahubad sa kanila kapag sila ay bumibisita sa bilibid. 

Paliwanag ng BuCor, kailangan ito dahil hindi sapat ang random search at frisking o kapkap lang dahil ipinapasok ng mga nais magpasok ng kontrabando ang mga ilegal na bagay sa kanilang mga ari. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us