Makikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay sa Trabaho Para sa Bayan: Project J.O.B.S. – Job Opportunities Building Skills.
Ito ay bilang pagsuporta sa proyekto ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Jobs Committee, kasama ang SM Investment Corporation at Jobstreet by SEEK.
Ayon sa pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang pakikiisa ng Pasay sa J.O.B.S. Commitment Signing ay para sa mas pinatibay at mas maunlad na job generation at skills building.
Ito ay gagawin sa May 9, 2024 (Huwebes) mula 10 AM hanggang 12 PM sa SM MOA Music Hall.
Kasunod nito ang Mega Job Fair na inihahandog para sa selebrasyon ng kaarawan ni Representative Toni Calixto na gaganapin mula 12PM hanggang 4PM.
Sa mga nais makilahok, i-scan at mag-register sa QR Code at magdala lamang ng higit sa 10 resume at sariling ballpen, at magsuot ng angkop na damit. | ulat ni Lorenz Tanjoco