DHSUD Chief at First Lady Liza Marcos, nag-inspeksyon sa Pasig River rehab projects

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ininspeksyon ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang isinasagawang Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) urban renewal and development project sa Intramuros area.

Kasama ng Unang Ginang si DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Intramuros Administration Head Joan Padilla, nagsagawa ng walked through sa bahagi ng Phase 1C ng PBBM project na nag-uugnay sa Intramuros show case area sa likuran ng Manila Central Post Office.

Habang isinasagawa ang inspeksyon, binigyan ng update ni Secretary Acuzar ang Unang Ginang sa mga development ng proyekto.

Nagpasalamat din siya sa suporta ng First Couple sa rehabilitasyon ng Pasig River.

 Ang Unang Ginang ay isang kilalang tagapagtaguyod para sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig.

Kasama sa kanyang pangarap na ibahin ang anyo nito sa isang people-centered tourist destination na katulad ng Thames River sa London, ang Seine sa Paris at ang Chao Phraya sa Thailand.

Pagtiyak ng kalihim, magiging people-centered at functional para isulong ang sustainability at walkable urban area ang Pasig River para sa mga mamamayan at turista.

Si Acuzar ang pinuno ng Inter-Agency Council para sa Pasig River Urban Development. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us