Masayang ibinalita ngauon ni Finance Secretary Ralph Recto ang positibong pagtugon ng global investor community.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng anunsyo ng Bureau of Treasury na nakalikom sila ng USD $2-billion mula sa dual-tranche 10 at 25 year Securities and Exchange Commission registered fixed rate global bonds.
Ayon kay Recto, patunay ito ng kumpiansang ipinamalas ng international investors sa sound economic and fiscal policies ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang successful offering ay nagpapamalas na kakayahan ng bansa na i-navigate ang pabago bagong policy rate environment at pagtugon sa market condition.
Ang proceeds ng global bonds ay directang gagamitin sa kapakanan ng mga Pilipino—mas maraming infrastructure projects, mas pinahusay na social services, better healthcare system at de kalidad a edukasyon. | ulat ni Melany Reyes