Inilatag na ni Senate Sub-committee on Constitutional Amendments ang skedyul para sa regional hearings nila ng panukalang pag-amyenda sa economic provision ng konstitusyon.
Ayon kay Senate Sub-committee Chairperson, Senador Sonny Angara na sa susunod na dalawang linggo ikakasa ang mga regional public hearings.
Sa Biyernes, May 17, gagawin ang eco cha-cha public hearing sa Baguio.
Sa May 23 naman gagawin ang pagdinig sa Cebu at sa May 24 naman sa Cagayan de Oro.
Para kay Angara, sapat na ang mga pagdinig na ito para makabuo sila ng committee report.
Target aniya ng kanyang komite na maisapinal ang committee report ng panukalang economic cha-cha sa kanilang sine die adjournment para maipresenta na ito sa plenaryo ng Senado pagbalik ng kanilang sesyon sa hulyo. | ulat ni Nimfa Asuncion