Pag-abolish sa NTF-ELCAC, nakasalalay sa desisyon ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ng House leaders na nakasalalay kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang desisyon na buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa daily press briefing sa Kamara, sinabi ni TINGOG Party-list Representative Jude Acidre na prerogative ng Pangulo ang pagbuwag sa ahensya.

Naniniwala si Acidre, na maingat na ipagpapatuloy ng Malacañang ang pagresolba sa problema ng insurhensya.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng ruling ng Korte Suprema na mapanganib ang “red tagging” sa seguridad at kalayaan ng samabayanan.

Kasunod din ng Supreme Court decision, may mga humiling sa Pangulo na i-abolish na ang NTF-ELCAC na ayon sa Makabayan bloc ay guilty sa red-tagging.

Ayon naman kay Isabela Rep. Inno Dy, nakasalalay sa ehekutibo kung papaano ang gagawin sa mga programa ng ahensya.

Sa panig naman ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr. sinabi nito, na ang desisyon ng Mataas na Hukuman sa red tagging ay paghikayat sa mga ahensya ng gobyerno na gampanan ang kanilang tungkulin ng walang tinatapakang tao.

Tiniyak naman ng mga mambabatas ang commitment ng Kamara sa policy decision ng Pangulo, upang manatili ang matagalang pangkapayapaan at matapos na ang insurgency sa ating bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us