Patuloy ang ginagawang pagrepaso ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa tarrif infrastructure ng bansa.
Layon nito na magkaroon ng mas mabisa at mas masiglang ekonomiya.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kinukumpleto na lang nila ang ulat lalo’t tapos na ang pagtalakay dito sa committee level.
Inaasahang mai-aakyat aniya ito sa susunod na NEDA Board meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hunyo.
Binigyang-diin ni Balisacan na malaki ang epekto ng mataas na taripa lalo na sa presyo ng mga produktong agrikultural.
Kasama rin sa mga isinailalim sa pagrepaso ang taripa naman na ipapataw sa Electronic Vehicles at mga piyesa nito na saklaw ng EO no. 12.
Magugunitang noong Pebrero ng nakalipas na taon, tinapyasan ang ipinapataw na taripa sa e-vehicles na tatagal ng limang taon. | ulat ni Jaymark Dagala