Manila solon, pinayuhan ang mga kritiko ni PBBM na ipagdasal na lang ang Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Manila Representative Ernesto Dionisio na mas maiging ipagdasal na lang ng mga kritiko ng adminsitrasyon ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang sagot ng mambabatas nang mahingan ng reakson sa panibagong mga patutsada ng ilang dating opisyal ng gobyerno laban sa Marcos Jr. administration sa isang peace rally.

Ani Dionisio, dapat ay ipagdasal na lang ang Presidente na magtagumpay, dahil ang tagumpay ng Pangulo ay tagumpay ng bansa.

“Siguro dapat ang mas dapat gawin ng mga ibang opisyal o ng ibang mga kababayan natin imbes na mag-criticize, I think we should pray for the President, ipagdasal na magtagumpay yung Pangulo natin because remember if the President succeeds, the country will succeed at tayong lahat bilang mga Pilipino ay magtatagumpay. So, dapat talaga suportahan natin at ipagdasal ang Pangulo. That is the true essence of a peace and prayer rally in my humble opinion,” ani Dionisio.

Aminado naman si Isabela Representative Inno Dy na nakakalungkot na ginagawa ang paninira sa isang peace rally.

Sabi pa niya na sa kabila ng pambabatikos ay wala naman silang ibinibigay na solusyon o tulong para maresolba ang mga kinakaharap na hamon ng bansa.

“On my part ano, ako bilang isang miyembro ng gobyerno or bilang isang public servant, nakakalungkot po na may ganito pong mga pangyayari or ganitong mga tinatawag na peace rally pero alam naman po natin na puro paninira lamang mula sa mga dating appointed officials, mula sa mga former officials na hindi naman, the fact that they are calling it a peace rally is a bit ironic po ano. Kasi nga hindi naman po, it’s not all about peace, puro paninira ang nangyayari, puro pangbabastos pa, puro paninira sa ating current administration but they’re not even offering any other solutions to what they’re saying or the problems,” wika ni Dy.

Sa panig naman ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre, hindi nakatutulong ang mga paninirang ito sa imahe ng Pilipinas na kasalukuyang humihimok ng mga banyaga na mamuhunan sa bansa.

Panawagan pa nito sa mga dating opisyal na unahin ang kabutihan ng bansa kaysa sa sariling interes.

“Nakikita naman natin na ang ating Pangulo ay patuloy na nagtatrabaho, patuloy na nagsusumikap… It’s simply out of place in a country that’s trying to build its confidence, trying to win the confidence of the international community and hopefully, karapatan naman ho na talaga ng mga tao na ipalabas yung kanilang mga hinaing at kanilang mga opinyon sa mga pangyayari. Pero para sa isang dating opisyal, sana po ay mangibabaw ang tungkulin na isulong ang mas nakakabuting interes ng ating bansa at ng nakararami,” pahayag ni Acidre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us