Pagpapanagot sa mga nasa likod ng sinasabing ‘recorded’ na pag-uusap sa pagitan ng China at opisyal ng AFP, suportado ng mga mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon si Isabela Representative Inno Dy sa pahayag ni Defense Secretary Gibo Teodoro na ipa-deport ang mga nasa likod na sinasabing recording ng pag-uusap ng Chinese officials at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay pa rin sa isyu ng West Philippine Sea.

Sa isang pulong-balitaan sa Kamara, sinabi ni Dy na kailangan panagutin ang mga tao na nasa likod ng sinasabing pag-wire tap na ito lalo at labag ito sa ating batas.

“So ako po ay sumasang-ayon kay Sec. Teodoro. Kung sino man po ang responsable sa pag-wiretap or sa pag-record po ng conversation na ito kung nangyari man po, they should be expelled or deported from our country or not, they should answer to our laws. Dahil bawal po iyong ginawa nila,” ani Dy.

Ipinauubaya naman ng mambabatas sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang imbestigasyon ukol sa isyu.

Maging si Manila Representative Ernesto Dionisio sinabi na hindi dapat pumayag ang Pilipinas na basta na lang tapakan o labagin ang ating batas.

“Gaya ng mga kasama ko, I support Secretary Gibo Teodoro doon sa pananaw niya na mali yung ginawa na wiretapping. We really should hold those people who did that accountable. Hindi na pupwede na porke na galing sila sa mas malalaking bansa na tatapakan na lang nila yung mga batas natin. So, they should be held accountable,” wika ni Dionisio.

Lubha naman nababahala si Tingog Party-list Representative Jude Acidre sa paglalabas ng wire tapping record na ito.

Aniya kwestyonable ang timing ng paglalabas nito na isa aniyang act of desparation para palalain ang isyu sa WPS.

“I will leave to the Armed Forces to investigate kung sino ang pinaka-culpable or if there’s any culpability on the part of the Filipino military official concerned, mas mabuting AFP na lang ang mag-decide diyan pero mas nakakabahala yun, yung bakit lumalabas ang mga ganitong misinformation or mga wiretapping? Nagpapakita lang na medyo act of desperation na po ito ano para to muddle the entire issue,” sabi ni Acidre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us