Panukalang payagang makapag-buy and sell ng bigas ang NFA, dapat pag-aralang maigi — Sen. Angara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang plano na payagan muling makapag-buy and sell ng bigas ang National Food Authority (NFA).

Ayon kay Senador Sonny Angara, dapat maging maingat sa panukala at ipinaalala rin ng senador kung paanong nabalot ng korapsyon ang ahensya noong mayroon pa silang awtoridad na bumili at mag-angkat ng bigas.

Sinabi ng senador na maaaring maghanap na lang ng ibang paraan ang gobyerno na mapababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Nagpahayag rin ng agam-agam si Senador Nancy Binay sa panukalang ito.

Dapat aniyang tingnan at rebyuhin ng mga nagtutulak sa panukala ang track record ng NFA. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us