Presyo ng karne ng baboy sa Marikina City Public Market, nananatiling matatag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling matatag ang presyuhan ng karne ng baboy sa Marikina City Public Market.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nasa sa ₱320 ang presyo ng kada kilo ng kasim habang nasa ₱380 naman ang kada kilo ng liempo.

Bahagya namang bumaba ang presyo ng Manok sa ₱165 kada kilo sa whole dressed chicken habang nasa ₱170 naman ang choice cuts.

Habang nananatili naman sa ₱400 ang kada kilo ng karne ng baka.

Sa isda naman, bumaba ang presysuhan ng Tilapia sa ₱110 habang ang bangus ay nasa ₱180 ang kada kilo, at ang Galunggong ay nasa ₱200 ang kada kilo.

Sa presyuhan naman ng gulay, nananatiling mahal ang kada kilo ng Luya sa ₱190 ang kada kilo, Bawang ay nasa ₱160 ang kada kilo, Ampalaya ay nasa ₱120 ang kada kilo, Sibuyas at Patatas naman ay nasa ₱100 ang kada kilo.

Samantala, ang Carrots naman ay nasa ₱90 ang kada kilo, Talong ₱80 ang kada kilo, habang Repolyo, Pechay Baguio, at Sayote ay nasa ₱60 ang kada kilo.

Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na gumagawa na sila ng mga hakbang para tugunan ang presyuhan ng mga agricultural product dulot na rin ng epekto ng climate change na siyang nakaaapekto sa ekonomiya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us