DSWD Helps, ilulunsad sa Hunyo para mapabilis ang aplikasyon sa pagpapatala at lisensya ng social welfare and development agencies

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palawakin pa ang digitalisasyon sa kagawaran kasama na ang proseso ng pagpapatala at pagbibigay lisensya sa Social Welfare and Development Agencies (SWDA).

Sa DSWD Forum, sinabi ni DSWD Standards Bureau Assistant Director Cynthia Ilano na kasama sa plano ng ahensya ang paglulunsad ng DSWD ‘HELPS’ o Harmonized Electronic Licensing and Permit System.

Isa itong online system na magpapadali ng pakikipagtransaksyon ng DSWD sa mga charitable institutions at civil society organizations na katuwang nito sa paghahatid ng mga social protection programs sa bansa.

Paliwanag ni Ilano, sa mas pinabilis na proseso, basta kumpleto ang requirements, ay makukuha agad ng SWDA ang certificate ng license to operate sa loob lang ng isang linggo.

Dahil naman sa pinadaling aplikasyon ay naniniwala ang DSWD na wala nang dahilan ang mga social welfare development agencies na hindi kumuha ng permit.

Tiniyak rin nitong mananagot sa batas ang sino mang mahuhuli na iligal na nagpapatakbo ng kahit anong foundation o social welfare development agency. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us