Administrasyon, nasa tamang direksyon sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa tamang direksyon ang Marcos Jr. administration sa pagbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino ayon sa House leaders.

Kasunod na rin ito ng bahagyang pagtaas ng unemployment rate ng bansa na naitala sa 3.9 percent nitong Marso mula sa 3.5 percent.

Ayon kay Deputy Majority leader Jude Acidre, ipinapakita nito ang kahalagahan ng panghihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga investor na mamuhunan sa bansa.

Tinutulungan din aniya ang mga negosyante sa pamamagitan ng Ease of Doing Business upang makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sabi pa ng mambabatas na “manageable” pa ang unemployment rate dahil tumaas naman ang labor force sa 51.5 million mula sa 50.75 million workers.

“Tama ang direksyon na tinatahak natin ukol sa paggawa ng trabaho. Itong ginagawa ng ating presidente na mag attract ng mas marami pang investors at also ang kanyang panawagan na mas pagandahin pa natin ang ease of doing business. We need to help the business sector create more jobs and clearly, we are in that direction. Alam ko na paminsan-minsan meron tayong mga private sector advisory council na pinapatawag ng ating pangulo at ito’y nagpapakita ng kanyang willingness to work with the private sector, and that contribute significantly to jobs creation,” ani Acidre.

Ganito rin ang pananaw ni Deputy Majority Leader Inno Dy.

Aniya, hindi lang basta trabaho ngunit high-quality jobs ang target ng Pangulo para sa taumbayan.

Malaking tulong din aniya ang mga job caravan sa pakikipagtulungan ng local government units upang mapag-ugnay ang mga employer at aplikante.

“…We have been consistently and pro-actively working naman po, ang government po natin to try to connect our potential employees to the employers. Kaya naman po marami pong nagiging mga job caravan throughout the whole country in partnership din po sa mga LGUs, ang DOLE nandiyan po,” wika ni Dy.

Dahil aniya sa mas bata umano ang demographics ng mga naghahanap ng trabaho ay mahalagang maitugma ang kanilang skills o kasanayan sa papasukang trabaho.

“What the President is doing in attracting more investments, in turn resulting to more job creations. Not only any job but high-quality jobs. Yun po ang pinapangarap ng Pangulo sa atin e. Yung maattract nya yung mga foreign investments, magke-create ng high-quality jobs para sa ating mga kababayan,” sabi pa ni Dy. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us