Presyo ng bigas, bahagyang bumaba nitong Abril — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa wholesale price ng bigas nitong Abril.

Ayon sa PSA, nagkaroon ng tapyas sa preyso ng regular, well-milled pati na ng premium at special rice noong nakaraang buwan.

Mula sa ₱47.49 noong Marso ay bumaba sa ₱47.05 ang average na kada kilo ng regular milled rice noong nakaraang buwan.

Bumaba rin sa ₱50.37 ang kada kilo ng well milled rice mula mula sa ₱50.86 na kada kilong bentahan nito noong Marso.

Halos piso naman ang ibinaba sa presyo ng special rice na nagkakahalaga ng ₱53.83 kada kilo nitong Abril.

Bumaba rin sa ₱55.31 kada kilo ang average wholeprice ng special rice.

Una na ring tiniyak ng DA na pagsisikapan nito na makapagbenta ng bigas na mas mababa sa ₱30 kada kilo ang presyo sa buwan ng Hulyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us