Kailangan mapaglaanan ng makabagong kagamitan ang Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) upang maprotektahan ang kanilang mga komonikasyon sa karagatan.
Ayon kay Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores, sa pamamagitan ng special equipment at software na ito ay hindi maiintindihan ng ibang mga barko ang usapan ng Navy at PCG.
Hindi kasi aniya malayo na mino-monitor ng China ang mga ship-to-ship communications ng ating bansa.
Inihalimbawa pa nito ang pagbuntot ng Chinese Navy ships sa mga barko ng Pilipinas, Amerika, at France na bahagi ng Balikatan Exercises.
Sa ganitong paraan aniya ay maiiwasan ang pagkuha ng mga intel sa ating mga sasakyang pandagat. | ulat ni Kathleen Jean Forbes