KADIWA store sa tanggapan ng DMW, dinagsa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Murang gulay at iba pang paninda ang alok ng KADIWA ng Pangulo sa punong tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City ngayong araw.

Ayon sa ilang mga nakapamili na, malaki ang diperensya ng presyo ng gulay dito kumpara sa mga pamilihan partikular na iyong mga highland vegetable.

Kabilang na rito ang Brocolli at Lettuce na nasa ₱100 ang kada kilo, Cauiflower ay nasa ₱80 ang kada kilo, nasa ₱60 ang kada kilo ng Repolyo, habang ang Pepino ay nasa ₱90 ang kada kilo.

Maliban sa KADIWA, may katabi rin itong tiangge na pumupuwesto rito tuwing ika-10 at ika-25 ng bawat buwan, araw naman ng suweldo ng mga empleyado.

Kaya’t maliban sa mga kawani ng DMW na sinusulit na ang pagkakataon na makabili ng murang gulay, may ilan ding mga OFW at mga kaanak nito na nag-aayos ng kanilang dokumento ang napaparaan na rito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us