Sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Zamboanga City ngayong araw ay nagpasalamat si House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe sa tulong ng pamahalaang nasyunal.
Huwebes ng pangunahan mismo ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda sa Zamboanga na apektado ng El Niño na nagkakahalaga ng P60 million pesos.
Aniya una sa kasaysayan ng kanilang siyudad na bumisita ang Pangulo ng Pilipinas para mamahagi ng ayuda.
Nagapasalamat din si Dalipe kay First Lady Liza Araneta Marcos.
Makasaysayan aniya ang unang beses na ang unang ginang ng Pilipinas ay magpaabot ng tulong pangkalusugan at libreng gamot sa kanilang mga residente.
Kabilang sa mga serbisyong dala ng First Lady ay ang LAB for all.
Ngayong araw naman ay inilunsad sa Zamboanga City ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair kung saan nakibahagi ang nasa 49 na ahensya ng pamahalaan sa pagdadala ng programa, ayuda at serbisyo sa mga residente doon. | ulat ni Kathleen Forbes