Dagdag na Pedestrian at Cycling Lanes, isinusulong ni Sen. Mark Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Senador Mark Villar sa paggunita ng Road Safety Month ngayong buwan at sa layunin na isulong ang kaligtasan ng mga siklista, motorista, at commuters na gumagamit ng mga daan.

Nais rin ng mambabatas na mapataas ang kamalayan ng publiko sa epekto road safety sa ating kalusugan at ekonomiya.

Sa isang pahayag, tinukoy ni Villar na bahagi ng problema sa road safety ng bansa ang kakulangan ng imprastraktura para mga pedestrian at siklista.

Sa datos ng Philippine statistics authority (PSA), umabot sa all-time high na 11, 096 ang naitalang road traffic deaths noong 2021 at ito ang pinakanangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipinong edad 15-29.

Kaya naman binigyang-diin ng senador, na dating naging Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary, ang pangangailangan na makapagpatayo ng mga imprastraktura para sa mga pedestrian at para maitaguyod ang aternatibong mode of transportation gaya ng pagbibisikleta.

Alinsunod sa Presidential Proclamation 115-A, dinedeklara ang buwan ng Mayo bilang Road Safety Month. | ulat Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us