Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na malaki ang potensyal ng mining sector sa bansa.
Lalo na sa pagpapaunlad ng green techonology at pagbibigay ng high-quality na mga trabaho sa mga Pilipino.
Ito ang sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa katatapos na Mining Industry Forum.
Ayon sa kalihim, kasalukuyang nasa 0.5 percent lamang ang contribution ng mining sector sa gross domestic product ng Pilipinas. Mababa rin aniya ang ang employment o bilang ng nagtatrabaho sa mga minahan na nasa 0.45 percent lamang ng total employment sa bansa.
Kaya naman aniya maituturing na underutilized ang mining sector at mataas ang potensyal na makatulong pa sa pagpapaulad ng ekonomiya.
Kabilang rin sa suhestyon ni Balisacan sa pagpapaulad ng mining sector at pagpapalakas pa ng domestic manufacturing industries sa bansa ay nakatuon sa mga green techonologies gaya ng solar energy, wind turbines, at electric vehicles.
Positibo si Balisacan na ang pagsuporta sa mga nasabing industriya ay makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. | ulat ni Diane Lear