Inihain na ng Department of Interior and Local Government ( DILG ) -VII ang preventive suspension order ng Office of the Ombudsman laban kina Cebu City Mayor Michael Rama at pito pang mga empleyado ng City Hall.
Ang team ng DILG ay pinamunuan mismo ni DILG VII Director Leocadio Trovela ngunit bigo ang mga ito na maibigay sa mga kinauukulang opisyal ang nasabing notice dahil wala ang mga ito sa city hall kahapon, Mayo 10.
Tanging sa tanggapan ng City Assesor lamang nakapagpaskil ng preventive suspension notice ang team ng DILG.
Ayon kay Director Trovela na babalik na lamang sila sa mga susunod na araw upang tuluyang maihain ang mga notices sa mga kinauukulan.
Napag-alaman na isinailalim sa 6 na buwang preventive suspension ng Ombudsman sina Mayor Rama, City Administrator Collin Rossel, OIC City Assessor Ma. Theresa Rossel, Designated Asst. Department head/ Legal Officer Atty. Francis May Jacaban, Designated Assistant Department head for operations Angelique Cabugao, Designated Admin Division head Jay-R Pescante, Designated Assessment of Records Management Division head Lester Joey Beniga at Designated Computer Division Head Nely Sanrojo matapos inireklamo ng apat na empleyado ng city hall dahil hindi na release ang kanilang sahod mula Hulyo 2023 hanggang Enero 2024.| ulat ni Angelie Tajapal| RP1 Cebu