Higit 40 barko ng China ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi ng Sabina o Escoda Shoal na tinambakan ng patay at durog na corals.
Sa media forum, sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela, batay sa ginawang monitoring ng BRP Teressa Magbanua sa Sabina Shoal sa nakalipas na 26 na araw.
Kabilang sa namataan ay ang 34 na Chinese Maritime Militia, 4 na China Coast Guard vessels, 3 Research vessels, 3 Peoples Liberation Army Navy vessels, at may 1 helicopter din ng PLA Navy.
Sabi pa ni Tarriela, namataan din sa lugar ang mga diver ng China na tila may sinusukat sa lugar.
Pagtiyak pa ng opisyal, ang patuloy na pagsubaybay ng Coast Guard sa mga nasabing barko upang matyagan pa ang aktibidad ng China sa lugar.| ulat ni Rey Ferrer