Puspusan na ang pagbebenta ng mga nagtitinda ng bulalak sa Dangwa sa Maynila dahil bukas, May 12, ay ipagdidiwang ng ating mga kababayan ang selebrasyon ng Mother’s Day.
At kasabay nga ng selebrasyon ang paggalaw ng presyo ng mga tindang bulaklak dito sa Maynila.
Ayon sa nakausap nating mga tindera medyo nagtaas na ang ilan sa kanilang mga tindang bulaklak. Sa isang tindahan dito P500 ang presyo ng sunflower arrangement na pinakamabili raw sa kanila ngayon, P800 sa isang dosena ng local roses, 1,500 sa dalawang dosena, at carnation sa P1,000 para sa 10 piraso.
Kung China Rose naman daw ang nais, P2,500 para sa 10 piraso. P2,000 para sa rose at stargazer bouquet arrangement, P500-P700 para sa dried flower arrangement depende sa disenyo at laki.
May mga stuff toy bouquet din sa P1,500. Pwede ring padagdagan iyan ng mga bulaklak sa P50 kada piraso sa roses at P100 kada piraso para naman sa sunflower.
Ilang tindahan na rin sa Dangwa ang tumatanggap ng order sa pamamagitan ng tawag o sa social media at ipapadala sa pamamagitan ng courier rider kung hindi kaya pumunta sa Dangwa dahil sa init ng panahon o ayaw makipagsiksikan dahil sa kasalukuyan pagkakaroon na rin ng kaunting pagsisikip sa trapiko dahil sa dagsa ng mga mamimili sa panahong ito.| ulat ni EJ Lazaro