Mananatili hanggang weekend dito sa Maynila ang pinakamalaki at pinakamalakas na tugboat sa mundo matapos itong dumaong sa Manila South Harbor kahapon, May 10.
Kilala sa tawag na Fotiy Kyrlov ang nasabing tugboat na isang Russian Navy ship, na kinikilala ng Guinness World Records bilang pinakamalaki at pinakamalakas na tug vessel sa buong mundo dahil sa natatanging kapabilidad nito.
Ang Fotiy Kirlov ay isang Offshore Rescue Tug na inilunsad noong 1989 na may gross registered tonnage na 5,250 at hango sa pangalan ni Fotiy Ivanovich Krylov, pinuno ng EPRON at Emergency Rescue Directorate ng USSR Navy noong 1932 hanggang 1943.
Inaasahang magtatagal ito sa bansa hanggang bukas, May 12, sa nasabing pantalan para sa goodwill visit nito sa bansa kung saan lulan ang 70 Russian Navy. | ulat ni EJ Lazaro