Sisimulan na sa Mayo 13 ang rehabilitasyon ng Lanuza Avenue sa Barangay Ugong Pasig City.
Sa abiso ng Pasig City Public Information Office, gagawin ang proyekto tuwing alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga kinabukasan.
Gagawin ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) araw-araw at inaasahang matatapos sa Hunyo 30, 2024.
Inaabisuhan ng lungsod ang mga motorista na humanap muna ng alternatibong ruta sa nabanggit na oras at petsa upang hindi maabala. | ulat ni Rey Ferrer