Bilang pagpupugay sa Araw ng mga Ina ngayong araw, ika-12 ng Mayo, inilunsad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang isang inisyatiba sa ilang paliparan nito sa bansa.
Tinanggap ng mga inang pasaherong manlalakbay mula sa mga paliparan sa Tuguegarao, Romblon, Laguindingan, Ozamiz, Bicol, San Jose, Naga, Masbate, at Virac ang binibigyan ng mga espesyal na Malasakit Kits.
Laman ng mga kit na ito ang mga bulaklak ng rosas, tsokolate, biskwit, tuwalya, at iba pang mga souvenir.
Ikinatuwa naman ng mga pasahero ang munting regalo na ito para sa mga ina ngayong kanilang espesyal na araw. | ulat ni EJ Lazaro