Pinag-iingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang publiko laban sa mga account na gumagamit ng opisyal na larawan ng kanilang ahensya para makahikayat na kumagat sa mga lending scam.
Sa social media post ng OWWA, ilang screenshot ang ibinahagi ito ng isang Facebook account na may ngalang Rochelle May Loan na gumagamit ng logo ng OWWA at nagpo-post patungkol sa mga nais diumano kumuha ng emergency loan.
May mga post din ang nasabing account na patotoong may mga nakakakuha diumano ng loan sa kanya.
Ayon sa OWWA, walang kaugnayan sa kanila, kahit sa mga regional o central office na ito ang nasabing account.
Hinikayat din nito ang ating mga kababayan na isumbong agad ang mga ganitong account sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng pag-email o hindi naman kaya ay makipag-ugnayan sa kanilang mobile no. 0917-580-5720 o hindi naman kaya landline 8551-6638.| ulat ni EJ Lazaro