Sisimulan na ng Kamara ngayong linggo ang pagtalakay sa plenaryo ng panukalang batas para amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL).
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, kinikilala ng Mababang Kapulungan ang kagyat na pangangailangan na mapababa ang presyo ng bigas kaya’t agad silang umaksyon.
“We recognize the urgency of addressing the challenges faced by consumers due to high rice prices. Through these plenary debates, we are taking decisive action to bring about meaningful change and ease the financial strain on Filipino households,” sabi ni Speaker Romualdez.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa ₱40 hanggang ₱50 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa merkado.
Ayon sa House leader target nilang maisabatas ang amyenda sa Hulyo upang ang presyo ng bigas ay maibaba sa ₱30 kada kilo at mas maging abot kaya ng mga Pilipino.
Una nang sinabi ni Pangulpng Ferdinand R. Marcos Jr. na handa siyang sertipikahan bilang urgent ang panukala.
“By amending the RTL, we aim to bring about tangible reductions in rice prices, ensuring that Filipino consumers are not unduly burdened by high food costs.Lowering rice prices to less than P30 is a crucial step towards ensuring food security and economic stability for all,” ani Romualdez.
Bahagi ng panukala na makapagbenta muli sa merkado at direktang makabili ng bigas mula sa lokal na magsasaka ang National Food Authority (NFA).
Sakali na kulangin ang suplay ng lokal na bigas maaari ito mag-angkat mula sa accredited importers na may nakatakdang porsyento ng CIF (cost, insurance and freight) landed price.
Makakapag-angkat lang din ang NFA, na may awtorisasyon mula sa Pangulo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes