Pamahalaan, dapat ding higpitan ang visa requirements ng mga estudyante at POGO workers mula China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa Department of Foreign Affairs (DFA) na higpitan rin ang visa requirements sa mga estudyante at POGO workers na mga Chinese national na nais pumasok ng bansa.

Kasunod ito ng anunsyo ng Bureau of Immigration na maghihigpit sila ng panuntunan sa mga Chinese tourist na kukuha ng visa sa Pilipinas.

Giit niya, mapa-turista, estudyante, o negosyante na mula China ay dapat dumaan sa masusing pagsusuri bago bigyan ng visa dahil nagiging banta sila sa kapayapaan at kaayusan.

“I am urging the DFA and our diplomatic posts in China to apply these stricter rules on all China’s nationals applying for whatever type of visa, whether they are businessmen, tourists, workers, or students. Let us have a more comprehensive and stringent vetting of Chinese visa applicants for the sake of peace and order in the country, and our national security. Let us be on the lookout for Trojan horses among them,” giit ni Rodriguez.

Punto pa ng mambabatas na nagsilbi dati bilang Immigration commissioner, maraming Chinese POGO workers ang nasangkot sa mga iligal na aktibidad gaya ng murder, extortion, kidnapping, at prostitution.

Nakababahala rin aniya ang pagdami ng Chinese students sa Cagayan kung saan mayroong EDCA site.

Kaya apela ng mambabatas sa DFA, Bureau of Immigration (BI) at Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng inventory ng mga Chinese citizen na nag-aaral sa mga unibersidad, hindi lang sa Cagayan pati sa buong bansa.

Sa tala ng BI, aabot sa 1,516 Chinese citizens na ginawaran ng student visas sa Cagayan noong nakaraang taon.

“This is a matter of national security and should be investigated by the authorities immediately!” giit ng kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us