Bilang ng mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño, nasa higit 121,000 na — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 121,389 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa na apektado ng matinding tagtuyot na dulot ng El Niño.

Batay yan sa pinakahuling tala ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng Department of Agriculture.

Lumobo na rin sa ₱6.35-billion ang halaga ng pinsala sa higit 111,702 ektarya ng lupaing sakahan sa 12 rehiyon sa bansa kabilang ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, at Soccsksargen.

May katumbas itong production loss na 269,416 metriko tonelada kung saan aabot sa 134,828 MT ang mula sa palay, 105,896 MT sa mais, 28,956 MT sa high value crops at 140 MT sa cassava.

Ayon sa DA, ang naitalang production loss sa palay ay katumbas ng 1.46% ng target production na 9,218,358.28 MT, para sa dry cropping season ngayong 2024.

Patuloy naman ang paghahatid ng tulong ng DA sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.

Katunayan, umabot na rin sa ₱2.37-billion ang halaga ng tulong na naipaabot ng kagawaran para maalalayan ang agri at fishery sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us