Umabot na sa ₱2.37-billion ang halaga ng tulong na naipaabot ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at manginisdang apektado ng El Niño.
Ayon sa DA, kasama sa naipamahagi nito ang ₱1.26-billion Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa Cagayan Valley region, MIMAROPA at Soccsksargen.
Aabot rin sa ₱658.22-million ang production support gaya ng agri-inputs, mga pataba at planting materials ang naipaabot ng DA Regional Field Offices.
Mayroon ding 66,000 na native animals ang naipamahagi sa mga magsasaka sa ilalim ng Philippine Native Animal Development (PNAD) Program.
At nasa 111 diversified alternative livelihoods ang inilaan sa mga mangingisdang nalugi sa CAR, Regions V, VII, at IX.
Sa MIMAROPA kung saan maraming lugar ang nasa ilalim ng State of Calamity, bukod sa ₱8-milyong halaga ng mga makinarya at halos ₱300-milyong halaga ng irrigation projects ay aabot rin sa higit ₱77-million ang naipalabas na loan mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Nagpapatuloy pa rin naman ang cloud seeding operations sa Southern Cagayan, Northern Isabela, Quirino corn areas, at Magat Reservoir sa Region II.
Batay sa pinakahuling tala ng DA-DRRM Operations Center, pumalo na sa ₱6.35-million na ang halaga ng pinsala ng matinding tagtuyot sa agri at fishery sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa