CSC-NCR, nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon para sa August Career Service Exam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ngayong araw ng Civil Service Commission (CSC) sa National Capital Region (NCR) Field Office ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa susunod na Career Service Exam Pen and Paper Text na nakaiskedyul sa buwan ng Agosto.

Sa inilabas nitong abiso, sa ngayon ay tanging sa CSC-NCR Field Office lamang maaaring magsumite ng aplikasyon.

Bukas ang tanggapan nito mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Tatagal ng isang buwan ang aplikasyon para sa susunod na pagsusulit o hanggang sa June 13, 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us