Marikina City LGU, naghahanda na sa pagdating ng La Niña

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa napipintong pagdating ng La Niña.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatiling sadsad ang lebel ng tubig sa ilog Marikina partikular na sa bahagi ng Brgy. Sto. Niño.

Tumubo na rin ang ilang kopra na itinanim ng isang residente rito

Subalit pangako naman niya, aalis siya at ititigil ang pagtatanim sa sandaling sumampa na muli ang tubig sa ilog.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, puspusan na ang ginagawa nilang dike sa gilid ng ilog.

Layon nito na maiwasan ang pagghuho ng lupa sa gilid ng ilog na siyang nakapag-aambag sa pagbabaw nito.

Dahil din sa pinaigting na dredging activities sa ilog Marikina, umabot na sa 100 metro ang lawak nito mula sa dating 70 metro.

Habang ang lalim naman ay umabot na sa 20 metro mula sa dating 15 metro.

Una nang binigyang-diin ni Mayor Teodoro na sasamantalahin nila ang panahon ng tag-init upang paigtingin ang mga pagawain sa Ilog Marikina.

Para naman sa pagdating ng tag-ulan at ng La Niña ay kakayanin na nito ang dalang tubig dahil sa inaasahan namang mga pag-ulan sa lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us