Posibleng pahintulutan muli ng Sugar Regulatory Administration ang pagaangkat ng asukal sa mga susunod na buwan.
Ayon kay SRA Administrator Pablo Azcona, naaprubahan ito ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang pulong kamakailan para matiyak na sapat ang buffer stock ng asukal sa bansa.
Ayaw na raw kaseng maulit ng pamahalan ang nangyari noong 2022 kung sana bumagsak ang suplay at nagresulta sa pagsipa ng presyo ng asukal.
Nasa 185,000-200,000MT naman ang kinukonsiderang maimport batay rin sa direktiba ng Pangulo.
Oras na bigyan na ng go signal ay posible aniyang dumating ang mga imported na asukal sa buwan ng hulyo hanggang agosot o bago ang pagsisimula ng milling season.
Kaugnay nito, nilinaw ng SRA na hindi naman ‘urgent’ o hindi minamadali ang sugar importation dahil itutulak lamang ito sa oras na magpatuloy ang pagtaas ng demand sa asukal at bumaba rin sa tatlong buwan ang hawak na suplay sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa