Welcome para kay Albay 1st district Rep. Edcel Lagman ang inilabas na Administrative Order No. 22 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang naturang kautusan ang bubuo sa Special Committee on Human Rights Coordination para palakasin ang proteksyon ng karapatang pantao sa bansa.
Kasabay naman nito ay nanawagan ang independent minority solon na ratipikahan na rin ang Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance at pagsasabatas ng Human Rights Defenders Protection Act.
Paliwanag ni Lagman, bagamat kasama ang Pilipinas sa walong human rights convention, ay hindi pa rin nito niraratipikahan ang naturang kasunduan.
Umaasa rin ang mambabatas na masertipikahan bilang ‘urgent’ ang Human Rights Defenders Protection Law na dalawang beses nang pinagtibay ng Kamara noong 17th at 18th Congress, ngunit hindi na-aksyunan ng Senado. | ulat ni Kathleen Jean Forbes