Magtutulungan ang Department of Agrarian Reform at Bureau of Jail Management and Penology para gawing matatag at institusyunal ang bentahan ng agricultural products ng mga magsasaka sa Romblon.
Isang kasunduan ang nilagdaan ng Agrarian Reform Beneficiaries’ Organization at BJMP-Odiongan District Jail para sa proyekto sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty Program.
Makikinabang dito ang mga magsasaka na kasapi ng Tulay ARB Farmers Association at Maghali Auto-Savings Group.
Ayon sa DAR, ang programa ay isang sama-samang pagsisikap na layong labanan ang kagutuman at kahirapan sa kanayunan.
Tinitiyak ng partnership na ito ang isang matatag na pamilihan para sa mga produkto ng mga magsasaka, dahil regular na ang pagsusuplay ng pangangailangang pagkain ng BJMP-ODJ. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DAR-Romblon